Masaya ka ba ngayong pasko?

Mayroong isang taong lumapit sa akin at nagtanong, “masaya ka ba ngayong pasko?” Ako ay hindi nakasagot agad at nagsimulang mag-isip “masaya nga ba ang aking pasko?” Muli kong binalikan ang mga nagdaang araw at aking pinagbulay-bulayan ang estado ng aking buhay. Maraming bagay ang nais kong makamit ngayong pasko, ngunit wala ni isa man sa mga iyon ang natupad o maari pang matupad. Sa gitna ng samu’t saring pagsubok na aking pinagdaraanan sa panahon ngayon, nakuha ko pa ding mangarap (wow ha) na pwedeng maging masaya ang aking pasko. Bakit? Bawal ba? Ang pangangarap na nga lang ang nagbibigay ng motibasyon sa aking buhay ititigil ko pa? Aking naisip ang mga taong aking napasaya ngayong taon. Sa kabila ng lahat, masasabi ko pa din na ako ay masaya. Dahil, hindi ako makakapagpasaya ng aking kapwa kung ako mismo ay hindi masaya. You cannot give what you do not have ika nga. Marami mang kabiguan ang dumating sa akin ngayong taon, hindi iyon sapat upang masabi ko kung masaya nga ba ang aking pasko. Dahil sa pagbibigay saya, tuwa, at ligaya sa aking kapwa, doon ko masasabi na hindi pala ako malungkot. Dahil may mas malungkot pa sa akin na pwede kong mapasaya. Aking binalikan kung ano nga ba ang diwa ng kapaskuhan. Ang pag alala ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. Hindi naman masaya ang kalagayan nila noong panahong iyon. Si Maria ay nagluwal ng anak sa isang sabsaban, si Jose ay ilang ulit na nahamak dahil sa walang nais magpatuloy sa kanila, at ang Sanggol na Hesus ay nakahimlay sa isang sabsaban. Naisip ko, kung ako siguro si Jose, masasabi kong napakahirap ng kalagayan na iyon at marahil di ko kakayaning magpatuloy. Pero buti na lang hindi ako si Jose. Noong mismong gabing iyon, may mga taong nagdiwang, at may naki party din na mga anghel. O diba? Ang saya nila! Pero di masaya ang kalagayan ng nila Jose. Mapalad pa din ako. Yey!

Muli kong binalikan ang tanong, “masaya nga ba ang aking pasko?” Ako’y ngumiti at sumagot na “Marahil hindi para sa akin ang paskong ito. Pero masaya ako.” Oo nga. Ang pasko ay hindi para sa aking sarili. Ngunit ito ay para sa iba. Ang pasko ay di para sa atin kundi ito ay season of loving. Ito ay para sa kapwa. Upang maiparamdam ang pagmamahal na nagmula sa ating Panginoon at higit sa lahat, alalahanin na mayroon tagapagligtas na minsang isinilang, hindi para sa kanyang sarili, ngunit ibigay ang kanyang sarili para sa kapwa; para sa sanlibutan upang tumanggap ng masayang buhay kapalit ng kanyang pabsariling kagustuhan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s